Martes, Setyembre 1, 2015

Paco Cemetery

Ang pinakamahirap na lugar na pinuntahan namin dahil sa pagkakamali ng pagbaba ng jeep at halos ilang kilometro yata ang nilakad namin bukod pa sa pananakit ng paa ko dahil sa masikip na sandals na suot ko. Tuloy pa rin ang lakad kahit gusto ko ng sumuko dahil sa pagod pero kailangan tapusin namin ang aming nasimulan. Pagpasok ko sa lugar na to nawala ang pagod ko.
Paco Cemetery Entrance (Photo courtesy of Elmer)

Isa na yata ito sa pinakamagandang sementeryong nakita ko, sementeryo ba talaga ito? Bakit sabi ni Mam Bella dito nya gustong ikasal, pagpasok ko dito saka ko naalala ang pelikula ni Tony Gonzaga at Piolo Pascual na Starting over again, pero bago maligaw ng paksa ang blog na to balik tayo sa Paco Cemetery.
Napakagandang lugar, kami'y nagpaikot ikot muna sa paligid para mapagmasdan ang ganda nito.
Kahit kami ay nasa ibabaw ng mga pader napakasarap pa ring pagmasdan ng kabuuan ng lugar na to.
Ngunit bago ko makalimutan ang tunay na pakay ng pagpunta namin sa lugar na to, narito ang larawan ko sa tabi ng puntod ni Jose Rizal, "kinakailangan naming magpakuha ng larawan malapit sa mga importanteng lugar ni Rizal."
Halata na sa aking mukha ang pagod :)
Dito sikretong inilibing si Rizal matapos ang pagbaril sa kanya bago inilipat sa kanyang huling hantungan sa Luneta.
Group Shots (Photo courtesy of Elmer)
Group Shots (Photo courtesy of Elmer)
Syempre, pagkakataon ulit ito ng panibagong "group pictures" o "souvenir shot" dito sa huling lugar ng aming Paglalakbay.
Susunod na post ay ang  Ang aking Repleksyon

Repleksyon

photo courtesy of Elmer - Uwian na!!!
Sobrang pagod pero sulit na paglalakbay kaya lahat kami nakangiti nung kami ay pauwi. Kung iisipin ko ang naging paglalakbay aral namin masasabi kong kakaiba ang karanasang yon. Kung hindi ko pa naisipan bumalik mag-aral sa TUP at magkaron ng asignaturang Rizal hindi ko malalaman na may mga makasaysayang lugar pala sa Maynila na napakagandang pasyalan. Sa katulad kong mahilig lamang pumunta sa commercial malls, nabigyang pansin ko talaga ang kahalagan ng mga makasaysayang lugar sa buhay ni Jose Rizal.
Mula sa pagbaybay ko sa mga lugar kung san sya nag-aral patungo sa mga lugar na kanyang huling hantungan. Si Rizal na isa ring ordinaryong mamamayang Pilipino na nakaranas man ng di magandang pagtrato sa mga Espanyol dito sa Pilipinas nung sya ay nag-aaral ay nagkaron pa rin ng sariling paninindigan hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Ang katangian na dapat magkaron ang bawat Pilipino, narito man sa bansa o naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa aking palagay ay napaka-importanteng malaman ng bawat Pilipino hindi lamang dahil sya ay isa sa itinuturing na bayani (note: hindi pa po si Rizal ang pambansang bayani - pinag-aaralan pa po ito) kundi maging isang huwarang mamamayan ng ating bansa. Napakaganda at napakasarap pag-aralan ng kasaysayan ng ating bansa sana lang matuto tayong gumalang at rumespeto hindi lamang sa mga lugar na ito maging sa mga adhikaan ng mga bayaning lumaban sa kalayaan natin. Sana lang mabigyan ng halaga ng bawat Pilipino ang pagmamahal sa ating bansa dahil dito pa rin sa bansang ito tayo nagmula.

Maraming Salamat sa aking classmates na kasama ko sa makabuluhang paglalakbay na ito, maging sa aming opisyal na photographer na si Elmer dahil sya lang ang may dala ng magandang dslr na camera at na karamihan ng larawan ng mga post ko dito ay galing sa kanya.
Elmer
Maraming salamat Mam Bella na aming guro sa paggabay sa amin at pagbigay ng ganitong aktibidad at syempre maraming salamat din sa kay Rizal na syang nagmulat sa kamalayan ng bawat Pilipino at naging dahilan ng makabuluhang paglalakbay na ito :)

Pambansang Museo

photo courtesy of Elmer
Ito ang kasunod naming tinahak at muli ako ay natuwa sa lugar na ito.
pasensya ka na Elmer, ikaw ang naging opisyal na photographer namin
Meron palang pambansang museo sa Pilipinas, pasensya na po at inaamin ko uli na ngayon lang ako nakatapak sa lugar na ito. Kung bakit ba naman wala akong nasalihan na ganitong aktibidad nung nag-aaral ako ng highschool pero pasalamat na rin ako at ngayon ay nalaman ko at napuntahan ko ang lugar na ito.
Pagpasok namin sa pinasentrong lugar sa unang level ng gusali, ito ang naming nabigyan ng pansin.
Spolarium - isa sa mga painting na ipinanalo ni Juan Luna
Ang Spolarium, obra maestra ni Juan Luna pero hindi ito ang talagang pakay namin kundi ang Gallery V ni Rizal kaya matapos magpakuha rito, pumunta na sila sa Gallery V pero pagtalikod ko nakakita ako ulit ng isang painting at muli kinunan ko ng larawan ito.
Ang painting na to ang dahilan kung bakit nahiwalay ako sa grupong BTTE at kung bakit hindi ako nakapakuha ng larawan sa gallery ni Rizal. May pagka-mahiyain kasi ako kaya hindi ko makuhang lumapit sa ibang tao para magpakuha ng larawan kung kaya kinunan ko na lamang ang mga lilok na likha ni Rizal. Napakamalikhain ni Rizal, bukod sa kanyang talento sa paggawa ng nobela siya rin ay may- angking talento sa paglilok.
Pag-alis namin sa gusaling ito, isang pangako ang nabuo sa sarili ko, "Babalikan kita Pambansang Museo".
Sunod namin pinuntahan sa Binondo,  

Tahanan ni Higino Francisco


Ito ang ikalawa sa pinakamahirap naming paglalakbay dito sa Binondo kung saan nagpaikot-ikot kami bago matuntun ang X mark na kinatatayuan dapat ng bahay ni Francisco Higino.
Dito sa lugar na panandaliang inilagay ang labi ni Rizal na kinuha sa Paco cemetary, papunta sa Luneta.

Pasensya na po at hindi ko mailagay ang larawan ko dito sa lugar na to, dahil sa pagkakatanda ko nasa cellphone ni Vicente ang larawan ko.

Nakakapagod na pero kailangan tapusin ang sinimulan para matapos ang proyektong blog sa asignatura ng Rizal.

Susunod namin tatahakin ang landas patungo sa huling hantungan ni Rizal, 

Luneta

Luneta ang sunod naming pinuntahan, sa hindi kagandahang panahon unti unting lumakas ang hangin kung saan tinatangay na rin amg mga payong namin at maya maya'y lumakas na rin ang ulan dahilan kung bakit hindi kami nakapakuha ng indibidwal na larawan kaya ang makikita rito ay mga grupong larawan na lamang na ibinahagi ni Elmer, ang pagpapatunay na ako'y nakatapak sa Luneta.
Group shot..."may photo bomber nga lang", di talaga maganda idea ang pagtayo ng gusaling yan
Aaminin ko sa blog na ito, ito pa lang ang kauna unahang pag-apak sa Luneta at pagharap ko ang bantayog ni Jose Rizal.
Kahit maulan nakuha pa rin naming magsaya habang kinukuha ang larawan ito ngunit maya maya bumagsak na ang napalakas na ulan mula sa madilim na ulap sa langit.
Ito ang dahilan kung saan kami'y naglakad papalayo para sumilong at maya maya'y napagkasunduan na rin naming magtungo sa susunod na destinasyon.....

Fort Santiago - Part 2

Dito pa lamang sa larawang ito makikita kung gaano naging kasaya ang paglalakbay namin,
Pagpasok namin isang maaliwalas na liwasan ang bumungad sa amin, ngunit syempre hindi nakakalimutan ang pagkuha ng larawan sa mga yapak ni Rizal.
Sunod namin pinuntahan ang lugar kung saan ikinulong si Rizal.
 Ito ang pasukan kung saan nakakulong si Rizal, hindi na kinaya ng cellphone ko kung kaya't eto lang ang nakuha ko.

At bago matapos ang paglalakbay dito samantalahing magpakuha ng larawan sa lugar na ito.
Pagkatapos dito kami'y manananghalian bago tumungo sa susunod na naming destinasyon.....

Fort Santiago - Part 1

Ang ikatlong lugar na aming puntahan, ang "Fort Santiago". Sa simula parang ordinaryong pasyalan lamang. Sa loob ng kulang kulang apatnapung taong kong paninirahan sa Metro Manila ngayong lang ako makakapasok dito, kaya laking saya ko sa paglalakbay kong ito. Pagpasensyahan nyo na lamang kung medyo mahaba ang blogpost na ito dahil sa pagkatuwa ko sa lugar na ito. Sa kasamaang palad, hindi ko nagamit ang pagiging estudyante ko naman ang binayaran ko pa rin na ticket ay P 75.00, pero okay lang kasi sulit naman.
Sa simula akala ko ito ay isang ordinaryong liwasan lamang ngunit pagdating ko sa dulo ako ay namangha sa aking nakita, ang mismong bungad ng fort santiago kung saan si Jose Rizal ay nakulong at nalitis.
Matagal kong pinagmasdan ang lugar na to at iniisip kung gaano na kaya katagal ang mga struktura dito, di ko alam talaga na may ganitong lugar pala sa Maynila.
Ayokong humaba ang post na ito kaya hahatiin ko na lang ang topic, at sa susunod kong post
ilalahad ko ang aking kabuuan ng karanasan sa paksang ito.

Dating Unibersidad ng Santo Tomas

Muli kaming naglakad ng ilang kanto patungo sa susunod na lugar na aming kinakailangan puntahan. Umaambon pa rin, may kaunting pabugso bugsong pag-ulan, medyo maputik na rin ang aking paa dahil sa basang daanan, at medyo ginugutom na rin buti na lang may mamang nagtitinda ng pinipig at ice buko at kahit papano napawi ng konti ang aming gutom. Hindi ko matandaan kung alin ang aming unang pinuntahan kung Fort Santiago o Unibersidad ng Santo Tomas basta ngayon ito muna ang isusulat ko.
Ito ang lugar kung saan nakatayo ang dating Unibersidad ng Santo Tomas, ang lugar kung saan nag-aral si Rizal ng medisina, hindi man naging maganda ang pagtrato ng mga espanyol sa kanya naging isang malaking bahagi rin ito sa buhay ni Rizal. Ito ang pinakamatandang unibersidad ng Asya ngunit katulad ng Ateneo ito rin ay inilipat.
Tulad ng nakasaad sa ating aralin, ito ang larawang nagpapatunay ng aking pagtapak sa dating lugar ng Unibersidad ng Santo Tomas.

Sa ikatlong lugar ng aming paglalakbay kami naman ay nagtungo sa Fort Santiago.



Dating Ateneo de Manila

Sunod naming binagtas ang daan patungo sa dating Ateneo Municipal de Manila.
Sa tulong ng isang mukhang guwardya sibil na nakatalaga sa isang kanto nabigyan kami ng direksyon patungo rito, medyo naligaw ng konti pero sa huli natunton rin namin ang lugar ng kinatatayuan nito. Ilang minuto rin ang aming paglalakad at sa wakas nakarating din kami sa mismong lugar na kinatatayuan ng Ateneo Municipal de Manila.
Kumuha muna kami ng isang "group pictures" bago nagkaroon ng "individual picture" na kinakailangan sa araling ito. Sa tulong ng aming opisyal ng "photographer" na si Elmer (biro lang Elmer) kami'y nakunan at nabigyan ng indibidual na larawang katulad nito.
Dito sa lugar na to nakatayo ang dating Ateneo Municipal de Manila kung saan nag-aral si Rizal sa pamumuno ng mga Heswita. Nakakatuwang isipin na habang naglalakad kami nakikita namin ang mga dating hitsura ng mga gusali na ngayon ay nabago na ng modernong panahon at mga lugar na kung saan nakatayo ang lumang gusali na giniba na rin tulad ng posteng ito na may larawan ng lumang Ateneo de Manila.

Muli kaming naglakad matapos ang pagkuha ng larawan sa Ateneo de Manila para puntahan naman ang ikalawang lugar na kailangan naming marating,


Intramuros


Mula LRT Central Terminal, kami ay naglakad patungo sa Intramuros.
Hindi ka man kasama ang Intramuros sa listahan ng aming dapat puntahan,
kami ay namangha sa lugar na ito, kung kaya't medyo nagtagal kami rito.

"Grabe, lakas maka-throwback sa lugar na to."
"Parang hinahati nito ang nakaraan at kasalukuyang panahon."
Mula likod ng pader ng Intramuros kami'y naglakad patungo sa taas,
Upang sama samang, magsaya at makita ang kabuuan nito.
Bumaba kami ng Intramuros at naglakad patungo sa aming susunod na destinasyon,

Tagpuan sa gilid ng TUP

Isang makulimlim at maulang araw ng linggo, araw kung saan napagkasunduan ng grupong BTTE na sina Kea, King, Vicente, Elmer, Ace, Romelie, Russel at ako na maglakbay aral, at ang aming tagpuan dito muna sa gilid ng TUP.
Nang kami ay makumpleto ay sumakay ng jeep patungo sa LRT station.
Sa loob ng LRT

 Bumaba sa Central Terminal at naglakad patungo sa aming unang destinasyon,