![]() |
| photo courtesy of Elmer - Uwian na!!! |
Sobrang pagod pero sulit na paglalakbay kaya lahat kami nakangiti nung kami ay pauwi. Kung iisipin ko ang naging paglalakbay aral namin masasabi kong kakaiba ang karanasang yon. Kung hindi ko pa naisipan bumalik mag-aral sa TUP at magkaron ng asignaturang Rizal hindi ko malalaman na may mga makasaysayang lugar pala sa Maynila na napakagandang pasyalan. Sa katulad kong mahilig lamang pumunta sa commercial malls, nabigyang pansin ko talaga ang kahalagan ng mga makasaysayang lugar sa buhay ni Jose Rizal.
Mula sa pagbaybay ko sa mga lugar kung san sya nag-aral patungo sa mga lugar na kanyang huling hantungan. Si Rizal na isa ring ordinaryong mamamayang Pilipino na nakaranas man ng di magandang pagtrato sa mga Espanyol dito sa Pilipinas nung sya ay nag-aaral ay nagkaron pa rin ng sariling paninindigan hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Ang katangian na dapat magkaron ang bawat Pilipino, narito man sa bansa o naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa. Sa aking palagay ay napaka-importanteng malaman ng bawat Pilipino hindi lamang dahil sya ay isa sa itinuturing na bayani (note: hindi pa po si Rizal ang pambansang bayani - pinag-aaralan pa po ito) kundi maging isang huwarang mamamayan ng ating bansa. Napakaganda at napakasarap pag-aralan ng kasaysayan ng ating bansa sana lang matuto tayong gumalang at rumespeto hindi lamang sa mga lugar na ito maging sa mga adhikaan ng mga bayaning lumaban sa kalayaan natin. Sana lang mabigyan ng halaga ng bawat Pilipino ang pagmamahal sa ating bansa dahil dito pa rin sa bansang ito tayo nagmula.
Maraming Salamat sa aking classmates na kasama ko sa makabuluhang paglalakbay na ito, maging sa aming opisyal na photographer na si Elmer dahil sya lang ang
may dala ng magandang dslr na camera at na karamihan ng larawan ng mga
post ko dito ay galing sa kanya.
![]() |
| Elmer |
Maraming salamat Mam Bella na aming guro sa paggabay sa amin at pagbigay ng ganitong aktibidad at syempre maraming salamat din sa kay Rizal na syang nagmulat sa kamalayan ng bawat Pilipino at naging dahilan ng makabuluhang paglalakbay na ito :)


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento